Monday, September 17, 2012

My 18th Birthday III (Sis ♥)


TO MY ONE AND ONLY SIS ♥




Yow yow yow! Representing: Patricia Marie Mulingtapang in the house yow! Kung hindi ako nagkakamali, 6 years and counting na tayong mag best friend! Ikaw lang ang tumagal na bestfriend ko! Hahaha. Nung elementary ako, may "bestfriend" ako pero after ng graduation parang hindi na kami magkakilala. Hindi nya na me pinapansin :( Saktan e :( Hahahaha. Nung first year highschool naman, ang naging bestfriend ko nun si Rachel :D (Oh di mo alam yun no? Haha) Kaso parang nagkaroon kami ng tampuhan non tapos nagka ilangan na, kaya ayon.. wala akong consistent na Bestfriend talaga.. IKAW LANG! Hahaha kaya thankyou thankyou talaga kasi hindi mo ko binitawan! Hindi ka nagsawa sa mga korni jokes ko sayo Hahaha

Thankyou sa lahat lahat sis! Sa pakikiramay sakin kapag gutom ako, sa pagbibigay ng mga love advise kahit hindi ko naman kailangan kasi ikaw lang tong may lovelife saten which is nakakainggit kasi epal si clark hanggang ngayon hindi pa din ako sinasagot! ECHOS lang! Hahahaha naglalaway na sya sakin ngayon :"> HAHAHA joke lang XD. Yan pa, hindi ka nagsasawang makinig tungkol sa mga kalandian ko! HAHA lahat ng crush ko sa toneh, na introduce na kita :"> Hahahaha kinikilig me! Bwahahaha! Thankyou sa pag tyatyaga sakin na kahit badtrip na badtrip ka na sakin sa pang aasar ko sayo ng Kuba eh, kinabukasan, bati na tayo ulit :"> Thankyou sa mga makukulit na moments tuwing kasama kita! Salamat sa pag welcome mo sakin sa bahay nyo kasi trip ko at nagugutom ako. Feeling ko tuloy lalo na magkapatid tayo. Marami pa kong gustong ipasalamat sayo kaso baka mapuno to kaya iiklian ko nalang.. Maraming salamat kasi nabuhay ka para maging Bestfriend ko at para pasayahin ako sa mga oras na kailangan ko ng kakampi kapag inaaway ako ng buong mundo. Ikaw lang ang may alam kung anong pinagdadaanan ko sa pamilya ko noon, kasi alam kong mapagkakatiwalaan ka, at alam kong maiintindihan mo ko. Maraming maraming thankyou SIS! 

Sorry din kung nasosobrahan kadalasan yung pangaasar ko sayo. Ang sarap mo kasing asarin ng Kuba hindi ko alam kung bakit. Bwahahaahhaa. Sorry sa mga oras na kuripot pa ko noon, wag kang mag-alala.. hindi na ngayon! (Oh magka rhyme ah! HAHA) Sorry pa sa mga kasalanan na ginawa ko sayo noon, KUNG MERON MAN, feeling ko wala kasi ang bait bait ko, hulog anko ng langit, kaya tignan mo muka akong anghel (ehem, kokontra yan!) Hahaha.


I LOVE YOU SIS! Sana matagal mo ng alam yan! Hindi ko man madalas iparamdam sayo, pero atleast tina-try ko (magka-rhyme ulit! HAHA) Sana hanggang pagtanda nandyan ka parin sa tabi ko, pero malamang nyan nasa tabi ka na ng asawa mo! HAHAHAHA (magka rhyme ulit ang galing!) Oh sya mukang kanta na tong nabubuo ko kasi lahat ng magka rhyme. Lagi mo lang tatandaan na nandito lang ako palagi para sayo.

I LOVE YOU SIS :> Forever.

No comments:

Post a Comment