Monday, October 15, 2012

Philophobia

A friend of mine just gave me an idea for a new blog topic: "Ayette, naisip mo na bang magka boyfriend?"

So the story was like this.. me and some of my elementary friends were playing spin the bottle but unlike the "original spin the bottle" game were in you'll have to choose whether it is truth or dare. Ours are all truths since we played the game in a very small room. When the bottle pointed at me, one of my friends asked: "Ayette, naisip mo na bang magkaboyfriend?" AND THAT VERY MOMENT, I was freeze to death and freakin' don't know what to answer. And they were all teasing me and started laughing. I guess it took 1 minute for me to answer her back. To make to story a little shorter, here's our conversation:


Me "Ano.. uhm.. ewan.. parang hindi ATA"
Them: "Weeeeh?! Seryoso?! Kahit minsan?"
Me: "Teka isip lang ako ng mga crush ko"
*10-15 seconds later*
Me: "Wala akong maisip mukang hindi nga HAHA"
Them: "Sabagay, si ayette kasi yung tao mahirap sabayan.. yung tipong sa sobrang hyper mapapa tahimik ka na lang tapos "sige". Kung baga matatakot manliligaw yung may gusto sakanya kasi sobrang ma oover power nya"
Me: Oo nga yan din sabi ni mama na takot daw manligaw sakin mga lalaki -___-


Grabe sobrang napaisip ako dun. I feel bad at the same time at hindi ko alam kung bakit :( Maybe because now I know why up until now hindi pa din ako ulit nagkaka boyfriend. After that night parang nadamdam ko kung bakit wala akong boyfriend. Napaglipasan na ko ng mga kaibigan ko which is hindi naman dapat ika inggit! Haha 
Ang weird lang parang may posibilidad na tumanda akong dalaga sa ugali na to. Ang hirap naman magbago para lang sa isang tao. Kasi believe it or not, masaya ako sa ginagawa ko kasi ang dami kong napapasayang tao sa mga kabaliwang ginagawa ko, which is yun nga.. siguro turn off sa mga lalaki. Nakaka lungkot lang bigla tuloy. Hahaha. 

Pero isa talaga sa mga rason kung bakit ako nagka ganito sa mga boys is yung sa dating first love ko. (Pa kwento lang saglit mga tol) which is "FAIL" nga. To make make our love story short, "Mahal nya ko, mahal ko sya.. loko loko sya, tanga tanga ako" PS: Hindi po naging kami. Sadyang naging abangers lang ako for the past 6years. At malapit nang grumaduate sa moving-on. Kasi kaya ko na syang tiisin ngayon, at TAE YANG.. SYA NA ANG NAGHAHABOL SAKIN NGAYON share lang! Hahaha.  Sana nga tuluyan ng mawala tong kalokohan kong to. Ang hirap talaga magmahal at ibinigay mo ang lahat, walang natitira sayo. Palibhasa kasi "first love" kaya ayun nga todo todo, pak na pak. Kaso infairness sakin ang consistent ko at 6years akong nagmukang tanga sa lalaking hindi ka naman binibigyan ng importansya. Masakit, pero kailangan tanggapin at maging fair sa mundo na hindi naman nga lahat ng lalaki katulad nya. Kaso feeling ko talaga na trauma na ko sa mga nangyare, kaya ilang ako sa mga lalaki at kaya parang ayoko ng ma inlove ulit kasi baka maulit nanaman yung nagyare dati. Haaaay sana lumipas na to.......... lilipas din to!
Pero ayun naniniwala pa din ako na nandyan lang si RIGHT GUY for me, hinihintay ako.. 
wag lang muna sya magpakita ngayon kasi hindi ko pa feel. Hahaha ang gulo lang diba! 


"DON'T FIND LOVE, LET LOVE FIND YOU" ika nga. Kaya nako, matagal pa ang buhay.. hindi ko planong magparami ng jowa, okay na ko sa minsan lang dumating pero alam mong pang habang buhay na! 
Spreaaaad the love!


Abangers DATI,
Ayette ♥

No comments:

Post a Comment