Monday, November 30, 2015

Dear Future Boyfriend

Hashtag Hopeless Romantic

Anak ng pusa naman oh! Patapos na naman ang taon, single pa din ako? Hahahaha! Nasaan ang hustisya don? Yung first love ko, (na medyo hoping pa din ako hanggang ngayon. O dahil ganito lang talaga kasi nga diba first love never dies? Haha) na kaka-stalk ko lang sa fb nya is super happy dun sa girlfriend nya. Dami nila pictures together and he looks so happy. Jelly ako hahaha! Btw, creepy pero nag save ako ng isa nyang picture mula dun sa mga nakita kong pics. Dont judge me. Ang cute nya lang kasi talaga dun hahaha. Kbye.
Yung ex-boyfriend ko naman, ngayon engaged na. Cute din nila together!! Sooo happy for them! And in all fairness they look good together ah! Edi sila na haha. Gusto ko man na magalit sa hinayupak na yun kasi sabi nyang babalik sya.. Hayaan mo na kasi mukang masaya naman sya. (Wag kayo, depress ako ng halos one week ata yun nung nalaman kong engaged na sya haha. Affected much lang ako haha. Wala ako sa mood, ang sungit ganun..pero tapos na yun. Nahimasmasan naman din ako agad. Masaya na akong makita siyang masaya, kahit hindi dahil sakin kundi para sa iba. Oh well ganun nga talaga siguro ang buhay hehe)
And lastly, si current/almost/must have been kong love life na nag-fly away din sa States eh hindi na din bumalik. And I found out na may girlfriend na pala siya. Hanggang ngayon affected padin ako...not gonna lie. Masyadong napamahal yung gago na yun sakin. Pero mukang di talaga kami meant to be kaya let go na lang. Anddd again, masaya na din sya dun sa girlfriend nya. 

Hanobanamanyan! Anong petsa na! Lahat sila masaya na! Eh pano naman ako! Lord kelan mo ba sya ibibigay? Medyo atat na po ang lola mo Lord! Hahaha! Nagiging hopeless romantic na tuloy ako haha. One time sa jeep pag may nakikita akong mag kasintahan, bigla nalang ako mapapatulala at iniisip ko na, kailan kaya ako magkakaroon ng ganyan? Kailan kaya may lalaking magsusundo sakin sa office? Kailan kaya ako magkakaroon ng lalaking makakausap ko araw araw at isha-share ko sakanya kung ano ano yung mga nangyari sakin sa buong araw? Kailan kaya darating yung panahon na meron akong kasabay i celebrate yung mga special events together with my family. Kailan kaya darating yung lalaki na walang sawa ko na sasabihan ng mga korni pick up lines ko, kasi sa totoo lang ipon na ipon na. Yung iba nga nagamit ko pa sa iba hahaha. Kailan kaya? Ready naman na po ako Lord. Oh sa tingin nyo hindi pa? Hehehe. Dami ko pa po kasing issue sa buhay eno? Haha


Pero sa lalaking darating/parating...pangako ko sayo hindi ako magkukulang na mahalin ka ng buong buo. Hindi ako magsasawa na unawin ka sa lahat ng bagay. Pag may hindi tayo pagkakaintindihan, pangako ko sayo na hindi ako susuko at aayusin agad natin yun. Hindi ako makikipag-pataasan sayo ng pride kasi alam kong wala namang magandang maidudulot satin yun. Handa pa akong magpakumbaba kung saka-sakali para sayo. Hindi kita papabayaan. Asahan mo na lagi akong nandito para sayo anumang oras na kailanganin mo ako. Walang kaso sakin kung nasan ka pa, makasama lang kita. Meet half way naman tayo walang hiya ka hahaha. Sabay nating aabutin yung mga pangarap nating dalawa. Ako ang magiging number one fan mo sa lahat ng bagay na gagawin mo. Susuportahan kita sa kung ano man ang hilig mo. Basta iwan ka naman ng konting oras para sakin din ha? Hahaha o kaya sabay tayo maglaro sa xbox! Haha!!  Pangako ko sayo na aalagaan kita. Ipagluluto kita kung gusto mo. Kahit hindi ako marunong magluto mag aaral ako para lang mapasaya kita. Araw araw kitang papasayahin at hindi ko hahayaang maging malungkot ka ng dahil sakin. Hindi ko hahayaan na masaktan ka, kasi masasaktan din akong makita kang nasasaktan. Araw araw kitang lalambingin para araw araw mo ding maalala na mahal na mahal kita. Araw araw kong ipaparamdam sayo na ikaw lang ang lalaki na para sa akin at wala ng iba. Gagawa tayo ng napakarami na masasayang alaala! Pangako ko lahat yan sayo kasi sisiguraduhin ko na... Ikaw na.


Love,
Ayette ❤️
113015

Post this via Iphone

No comments:

Post a Comment